Communities and Justice

Helplines in community languages – Filipino

Mga Helpline sa mga wika ng komunidad - Filipino  

Mga numero ng telepono para sa agarang tulong  

Kalagayan Kontak Telepono
Kung ikaw ay walang matirhan o nangangailangan ng pansamantalang tirahan

Link2Home

24 na oras, 7 araw

1800 152 152
Karahasan sa tahanan at pamilya

NSW Domestic Violence Line

24 na oras, 7 araw

1800 656 463
Isumbong ang pang-aabuso o pagpapabaya sa bata

Child Protection Helpline

24 na oras, 7 araw

13 21 11
Mga Emerhensya

NSW Police, Ambulance and Fire

24 na oras, 7 araw

000
Kailangan mo ba ng Tulong sa Batas?

LawAccess

Lunes hanggang Biyernes 9am-5pm

1300 888 529
Libreng serbisyo sa pagpapayo sa telepono para sa mga bata at kabataan na 5 hanggang 25 taong gulang

Kids Helpline

24 na oras, 7 araw

1800 551 800
Kung sa palagay mo ay nadiskrimina ka, makipag-ugnayan sa Anti-Discrimination NSW para sa tulong. Ang serbisyo ay libre

Anti-Discrimination NSW

Lunes hanggang Biyernes 9am-4pm

1800 670 812
Isang matanda o isang taong may kapansanan na nanganganib na maabuso

NSW Ageing and Disability Abuse Helpline

Lunes hanggang Biyernes 8.30am-5pm

1800 628 221
Libreng serbisyo na makakatulong sa mga alitan sa pagitan ng mga magkakapitbahay, magkakapamilya, mga negosyo, mga komunidad, at mga samahan. Makakatulong din ito sa mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa pera.

Community Justice Centre

Lunes hanggang Biyernes 9am-4.30pm

1800 990 777
Mga suporta para sa mga biktima ng krimen.

NSW Victims Access Line

Aboriginal Contact Line 

Lunes hanggang Biyernes 9am-5pm

1800 633 063

1800 019 123

Kung nag-aalala ka na ang isang kakilala mo ay nasa panganib na masangkot sa marahas na ekstremismo, makipag-ugnayan sa kumpidensyal na serbisyo ng suporta.

Step Together

Lunes hanggang Biyernes 9am -5pm

1800 875 204

Mga serbisyo ng interpreter 

Kung gusto mo ng serbisyo ng interpreter, tawagan ang mga ahensya ng pag-iinterprete na nakalista sa ibaba.

Mga Interpreter sa Pabahay

Kontakin ang All Graduates Translating and Interpreting Service: 1300 652 488 para sa libreng serbisyo ng interpreter sa lahat ng usapin sa pabahay. Tatawagan ng All Graduates ang provider ng pabahay at ang interpreter para sa iyo. 

Mga Interpreter ng Department of Communities and Justice ( DCJ) 

Makipag-ugnayan sa Translating and Interpreting Service (TIS National): 131 450 para sa libreng serbisyo ng interpreter at ibigay sa kanila ang numero ng telepono na gusto mong tawagan. 

  • Ang DCJ ay may obligasyon na magbigay ng mga kwalipikadong interpreter kapag nagsasagawa ng mga panayam at pinag-uusapan ang mga kumplikadong bagay o mga sensitibong isyu.

  • Sa karamihan ng mga kaso, ang mga kapamilya at kaibigan ay hindi maaaring magsilbing interpreter ngunit maaari silang naroon sa panayam o pulong upang magbigay ng suporta.

  • Ang mga kapamilya at kaibigan ay maaari lamang magsilbing interpreter kung ang DCJ ay walang makuhang kwalipikadong interpreter sa telepono o sa mismong lugar.

Last updated:

06 Sep 2024